BALITA
Mga mag-aaral, hinikayat ni Eliseo na lampasan ang PISA standard
Hinimok ni Albert Ryan G. Eliseo, isang guro at topnotcher sa Licensure Examination for Teachers (LET), ang mga mag-aaral na huwag makuntento sa pagtaas ng performance ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025 at sa halip ay pagsikapang malampasan ang kasalukuyang pamantayan.